WebClick Tracer

SPORTS

Jerom Lastimosa, Bettina Binaohan tinapik na sakalam sa UAAP

Pasiklab sina Adamson Soaring Falcons star Jerom Lastimosa at La Salle Lady Archers cager Bettina Binaohan sa oras ng kagipitan para sa kanilang mga kampo sa papatapos nang 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 men’s and women’s basketball tournaments second round eliminations.

Naglarong may right foot injury, matapang na hinarap ni Lastimosa ang kahirapan at pinasinghap ang AdU sa karera para sa last Final Four berth, samantalang naging instrumento si Binaohan sa makasaysayang 61-57 overtime upset win ng DLSU kontra six-time defending champion NU Lady Bulldogs na lumagare sa record na 108 ragasa ng karibal sa siyam na taon sa liga.

Sa kanilang kabayanihan, binoto sina Lastimosa at Binaohan na Collegiate Press Corps UAAP Co-Players of the Week (Nov. 21-27) na mga hatid ng Philippine Sports Commission at San Miguel Corporation, at mga suportado rin ng MNL Kingpin, Tinapayan Festival, at Jockey.

Pasabog si Lastimosa ng 23 points sa 5-of-8 shooting sa 17-minute-play nang dagitin ng San Marcelino-based squad ang FEU Tamaraws, 75-70, kasunod ang krusyal na pitong puntos kabilang ang game-winning triple sa 64-63 silat kontra Bulldogs.

Nagbaon naman si Binaohan ng 14-marker, 17-board, tig-2 assists at steals sa 66-41 pagwasiwas sa wala pang panalong UE Lady Red Warriors at selyuhan ang No. 2 seed sa 12-2 card para sa twice-to-beat bonus sa Final Four kontra No. 3 Santo Tomas Golden Tigresses (11-3).

“We’re still alive going to the Final 4. Alam ko na ‘yung dalawang tira ko is hindi siya pumasok but I never give up sa last shot. So, I think deserve ko naman ‘yun kasi pina-practice ko talaga every day. Hindi lang every day, kundi every morning, lunch and dinner,” lahad ni Lastimosa. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on