WebClick Tracer

SPORTS

Kenneth Duremdes, 2 MPBL team pa may mga isisiwalat

Magbubunyag sa Philippine Sportswriters Association Forum ngayong Martes ang Nueva Ecija at Zamboanga City teams sa mangyayaring rambol sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2022 National Finals simula sa Dec. 2.

Kasama ang kani-kanilang players nina Rice Vanguards coach Jerson Cabiltes at Family’s Brand Sardines counterpart Vic Ycasiano sa talakayang mag-uumpisa sa alas-10:00 ng umaga sa Philippine Sports Commission conference room sa Malate, Maynila.

Magsasadya rin sina MPBL commissioner Kenneth Duremdes at league coordinator Joe Ramos sa lingguhang programang mga hatid ng San Miguel Corporation, Milo, PSC, Philippine Olympic Committee at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

May livestream ang face-to-face Forum sa fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 Facebook page rin.

Nasagad pareho sa tatlong laro ang conference finals ng Chavacanos kontra Batangas Embassy Chill sa South Division at Novo Ecijanos laban sa San Juan Knights Go for Gold sa North sa nakaraang linggo. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on