WebClick Tracer

SPORTS

Kevin Durant, Seth Curry wow kontra Portland Trail Blazers

Isa pang Curry ang nagliyab sa New York, si Seth.

Puminta si Curry ng season-high 29 points, umiskor si Kevin Durant ng 31 at nilambat ng Brooklyn ang 111-94 panalo kontra dayong Portland sa 77th NBA 2022-23 regular season game Linggo ng gabi.

Pito sa binitawang tira sa labas ng arc ang ipinasok ni Curry sa Barclays Center, pinakamarami ng isang reserve ng Nets ngayong season.

“I’ve always felt like if I get good shots I’m going to make them at a high clip,” bulalas niya. “Guys found me open early on to start the game and I felt pretty good.”

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 22 points sa Brooklyn, nakatatlong tira lang si Ben Simmons pero bumawi sa 12 rebounds at 8 assists.

Sapaw ang 29 points ni Jerami Grant at 17 markers, 10 boards ni Jusuf Nurkic sa Trail Blazers (. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on