WebClick Tracer

METRO

Kuya kinatay ni utol sa walwalan

Nasawi ang isang magsasaka matapos itong pagtatagain ng nakababatang kapatid habang nagwawalwalan sa Brgy. Paraiso, Calatagan, Batangas Linggo ng gabi.

Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Edecon Obrador, 40, at agad binawian ng buhay dahil sa mga tinamong taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report ng Calatagan police, nag-iinuman ang biktima at ang 32-anyos na kapatid nitong si Herman Obrador nang magkainitan ang mga ito dakong alas-9:30 Linggo ng gabi.

Humantong ito sa pananaga ng nakababatang kapatid gamit ang kanyang itak.

Sumuko naman ang suspek sa mga awtoridad matapos ang krimen. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on