WebClick Tracer

METRO

Lolo nakaligtas sa sunog, dedbol nang mabagok

Nakaligtas mula sa nagliliyab na apoy ang 67-anyos na lolo pero namatay din ito matapos na madulas at mabagok habang lumilikas sa kalagitnaan ng sunog sa Quezon City, Lunes ng umaga.

Naisugod pa sa kalapit na ospital si Delfin Enerva, 67, ng Brgy. Holy Spirit, pero binawian din ng buhay.

Sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, alas-kuwatro ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng tahanan ni Nestor Bactismo sa Saint Vincent St., Brgy. Holy Spirit.

Dahil sa gawa sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy sa sampung mga katabing bahay kung saan 20 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Ayon sa mga nakasaksi, nang makita nang biktima na lumalaki na ang apoy ay nagmadali itong lumikas subalit aksidenteng nadulas at nabagok.

Umabot sa unang alarma ang sunog alas-5:01 ng umaga at idineklarang fire out alas-6:22 ng umaga.

Patuloy pang inaalam ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at ang halaga nang pinsala ng mga natupok. (Dolly B. Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on