WebClick Tracer

NEWS

PBBM bibisitahin IRRI sa Los Baños

Nakatakda umanong bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa International Rice Research Institute (IRRI) headquarters sa Los Baños, Laguna ngayong Martes, Nobyembre 29.

Naglabas kahapon ng news advisory ang Malacañang kung saan inihayag na sisilipin ng pangulo ang genebank ng IRRI kung saan nakaimbak ang pinakamalaking koleksyon ng iba’t ibang uri ng bigas sa buong mundo.

Ayon pa sa Malacañang, may courtesy call din ang pangulo kay IRRI directorgeneral Dr. Jean Balie at maaaring dumalo rin sa pagpupulong ng Board of Directors’ nito.( Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on