WebClick Tracer

NEWS

Plastic labo tataas presyo – Diokno

Tataas ang presyo ng plastic labo at sando bag oras na maging batas na ang House Bill 4102 o ang Single-Use Plastic Bags Act, ayon sa Department of Finance (DOF).

Umaasa naman ang DOF na madadagdagan ang koleksyon nito ng P38 bilyon mula 2023 hanggang 2027 sa oras na maging batas ang HB 4102.

Base sa panukala, magpapataw ng excise tax na P100 sa bawat kilo ng single-use plastic na ilalabas sa planta o sa Bureau of Customs.

Sabi ng DOF, pasado na sa ikatlong pagbasa ng Kongreso ang HB 4102 noong Nobyembre 14, 2022.

Ayon sa DOF, tataas ng 75% ang presyo ng tinatawag na plastic labo sa unang taon ng pagpapatupad ng batas at 25% ang mababawas sa paggamit nito. Sa retail, tataas ang presyo ng sando bags ng 79% at mababawasan naman ang paggamit nito ng 26%.

Sabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, dalawa ang masosolusyonan nito—madadagdagan ang koleksyon ng pamahalaan at makababawas pa ito sa polusyon. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on