WebClick Tracer

SPORTS

Will Allen Gozum, Saint Benilde Blazers puntirya NCAA Finals

Mga laro ngayon: (Filoil Ecooil Centre)
12 nn – CSB vs SBU
3 pm – CSJL vs LPU

Huhugot ng lakas ang top seed College of Saint Benilde kay Will Allen Gozum pagharap sa San Beda University sa siklab ng 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball tourney Final Four ngayong Martes sa Filoil Ecooil Centre sa San Juan.

Magsisimula ang bakbakan sa alas-12 ng tanghali kung saan sasandalan din ng Blazers ang twice-to-edge na pamumunuan ni Most Valuable Player frontrunner at leading scorer Gozum.

Winalis ng Taft-based squad ang Red Lions sa two-round eliminations kaya liyamado sa laban upang makatapak agad sa Finals.

“It’s great, we are happy, it’s one of our small goals,” saad ni CSB coach Charles Tiu. “Hopefully we can go past the Final Four and really make a run for the championship.”

Nagposte ang Blazers ng 14-4 record sa elims.

Magtutuos din ang No. 2 Colegio De San Juan De Letran at may twice-to-win No. 3 Lyceum of the Philippines University sa alas-3:00 ng hapon. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on