Diretsahang ipinakita ni Willie Revillame ang kanyang interes kay Zeinab Harake nang mag-guest ang vlogger/media influencer sa kanyang Wowowin show recently.
Mahaba ang naging interview ni Willie kay Zeinab at binigyan niya talaga ito ng oras sa kanyang show. Sa huli ay sinabi ng TV host na gusto niya itong kunin for Wowowin at sa AllTV.
“Sana, you will be part of the show in the future. Maging part ka ng Wowowin, maging part ka ng AllTV. Malay mo, di ba? Bibigyan ka ng isang magandang teleserye dito in the future,” sabi ni Willie kay Zeinab.
“Can you act? Pwede ka bang umarte?” tanong pa ng TV host sa kanyang guest.
Sagot naman ni Zeinab, “opo, umaarte naman ako kaya lang po ngayon, hindi ko pa nasusubukan uli. Before po, nung mga dalaga-dalaga pa ako. Pero ngayon po, malalaman.
“Kaya po kailangan nating aralin lahat. Tapos, pag tingin natin na kaya na natin at hindi naman tayo mapapahiya, saka po natin gawin. Para hindi po nakikita ng tao na napipilitan siya.”
Ayon kay Zeinab, ayaw raw niyang mapahiya kung hindi niya kaya.
Sey naman ni Willie, pwedeng-pwede raw host si Zeinab dahil bukod sa maganda ay spontaneous pa raw.
Bago matapos ang panayam ay hiningan ni Willie si Zeinab ng mensahe sa kanyang supporters. Sa pagkakataong ito ay muling nag-sorry ang kontroberysal vlogger sa isyung kinasangkutan kamakailan na maramin nadamay na artista.
Ito nga ‘yung issue na naglabas ng resibo si Wilbert Tolentino na nagpapakitang may mga hindi magandang komento si Zeinab sa mga kapwa-vlogger at ibang artista.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng taong naniniwala pa rin sa kanya sa kabila ng kanyang mga maling nagawa. Aniya ay gagawin niya ang lahat para bumalik ang tiwala sa kanya ng mga tao.
Pagkatapos nito ay nagbigay ng advice si Willie kay Zeinab.
“Huwag ka nang makipag-away, ha? Sayang, eh, ang ganda ng career mo,” payo ni Willie.