WebClick Tracer

METRO

Paa nadale! Motorcycle racer Mickey Mazo naaksidente sa Clark Racing circuit

Maraming rider ang nalungkot sa sinapit na aksidente ng tinaguriang ‘king of the hill’ na si Mickey Mazo matapos sumemplang at nagpaikot-ikot pa ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Clark, Pampanga kaninang hapon.

Ayon sa mga ulat nagpa-praktis umano si Mazo para sa isang motorcycle race nang mangyari ang malagim na aksidente.

“Medyo matindi yung semplang nya galing sa matulin biglang salpok, “ pagbabahagj sa FB page ni Romer Corbe na nagsabing nakasama ni Mazo na nagpraktis para sumabak sa isang laban.

Dahil sa sinapit na aksidente sa Clark Racing Circuit ay hindi na umano matutuloy ang itinakdang motorcycle race.
Makikita rin sa kumalat na video na nagkalasog-lasog ang gamit na motosiklo sa praktis ni Mazo.

Ayon pA sa video mukhang nadale ang paa ng motorcyle racer.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on