Big winners sina Tonton Gutierrez at Musong Castillo sa ginanap na Golf For a Cause ng National Press Club o NPC.
Ang nabanggit na golf tournament ay idinaos nitong November 25, Biyernes, sa Wack Wack West course.
Nakakuha ng score na sixty-eight si Tonton para masungkit ang net crown trophy habang si Musong ay nakaiskor ng four-over 76 para maiuwi naman ang low gross trophy.
Wagi naman sa kani-kanilang dibisyon sina Conrad Banal na may 70, Alex Magno, 71, habang may even par 72 naman si Roger Garcia sa 18-hole tournament.
Ang naturang golf tournament ay para rin sa 70th anniversary celebration ng NPC.
Ayon kay NPC President Lydia Bueno, ang mga pondo na nalikom sa naturang golf tournament ay para sa scholarship grants para sa mga deserving na anak ng mga NPC member at para sa iba pang mga proyekto ng NPC.
Naglaro rin ang actress/dancer na si Samantha Lopez na unang nakilala noon bilang si Graciaaa ng Eat Bulaga!; si Samantha rin ang nagsilbing host sa awarding ceremony matapos ang laro.
Naglaro at nanalo rin ang aktres at misis ni Tonton na si Glydel Mercado sa ladies division.
Sumuporta sa tournament ang Megaworld, San Miguel Corporation, Converge, APEX Mining Company president and CEO Louie Sarmiento, Philippine Basketball Association, Philippine Sports Commission, PCHLC 1st vice president Jay Pena Son, Sammay Yuquico of K-Plast, Pasay City Host Lions Club President Frederick Cabalbag at International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI), si DSWD Secretary Erwin Tulfo, National Irrigation Authority (NIA) Administrator Benny Antiporda, Negros Occidental Rep. Arnie Teves, Davao City Rep. Paolo Duterte, 1PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero, Benguet Rep. Eric Yap, Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Atty. Dhalia Salamat at ang RICH Corporation.
Malamang na magkaroon ng 2nd leg ang naturang golf tournament sa summer next year. (Rommel Gonzales)