WebClick Tracer

NEWS

2M aplikasyon sa 4Ps nakabitin

Kinumpirma ni Social Welfare Undersecretary Edu Punay na nasa 2.4 mil­yong Pilipino ang kasama sa target na cash transfer program ngunit isinasai­lalim pa ang mga ito sa masusing balidasyon.

Ito ay matapos maglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P5.2 bilyon para sa ikatlong tranche ng target na cash transfer program.

“Mayroon din tayong additional 2.4 million na beneficiaries na manggagaling sa listahanan. Sinimulan na ng [Department of Social Welfare and Development] ang community validation para ma-identify ang 2.4 (million) na additional beneficiaries natin,” pahayag ni Punay sa isang televised briefing.

Aniya hindi bababa sa 12.4 milyong Pilipino ang napatatunayang karapat-dapat para sa target na cash transfer, 2.4 milyon ay nasa waitlist umano ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ilan sa mga social program ng ahensya.

“When it comes to requirement, wala naman tayong hinihinging documentary requirements sa kanila dahil sila ay magiging target ng ating community validation,” paglilinaw pa ni Punay.

“Kumbaga mayroon na tayong, trabaho ng ating social worker at validators sa DSWD na ma-identify kung sila talagang mahihirap ang eligibile ng assistance ng gobyerno at doon manggagaling ang listahan,” giit pa niya.

Sinabi ni Punay na ang mga natukoy na benepisyaryo ay makakakuha ng P500 kada buwan para sa susunod na anim na buwan, habang ang pamamahagi ng cash aid ay patuloy para sa mga buwan ng Hulyo at Agosto o ang unang dalawang tranches ng programa.

Una nang nagpalabas ang DBM ng P10.33 bilyon sa DSWD para sa dalawang buwang cash transfer para sa 10 mil­yong household beneficiaries. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on