WebClick Tracer

SPORTS

Birthday boy Julius Randle walastik kontra Detroit Pistons

SA kanyang 28th birthday nitong Martes, nagliyab ng season-high 36 points si Julius Randle para balikatin ang New York sa dambuhalang 140-110 panalo kontra dinayong Detroit.

Maagang nag-init si Randle, nang makuha ang ritmo ay hinanap na siya ng mga kakampi at tumapos ng 14 of 24 shooting, pinalamutian ng 7 rebounds at 5 assists.

“He always does a good job moving without the ball and his teammates were searching for him,” ani Knicks coach Tom Thibodeau.

Bumakas ng tig-16 points sina Quentin Grimes, RJ Barrett at Jalen Brunson sa Knicks, nagbaba ng 13 boards si Mitchell Robinson.

Nagpakalat na ng 26 points sa first two quarters si Randle tungo sa 70-56 lead sa break.

Hindi na naibalik ng 19 points ni Isaiah Stewart at tig-13 nina Bojan Bogdanovic at Marvin Bagley ang Pistons. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on