WebClick Tracer

SPORTS

Hidilyn Diaz kandidato sa Athletes Commision

TATANGKAIN ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo na makamit ang isang silya sa importanteng grupo sa International Weightlifting Federation (IEF) Athletes Commission sa paparating na halalan na gaganapin na 2022 World Championships sa Bogota, Colombia simula Disyembre 5 hanggang 16.

Ang 31-anyos na si Diaz-Naranjo, ay magbabalik sa aktibong partisipasyon sa mga qualifying competition matapos ang pagwawagi nito sa unang gintong medalya ng Pilipinas sa kada apat na taon na Olympics na ginanap 2021 at halos ilang buwan lamang matapos ang pagpapakasal nito sa kanyang strength and conditioning coach.

Mayroong 21 kandidato na kumakatawan sa lahat ng kontinente at kasarian na maglalaban-laban para sa anim na posisyon, nakataya ang tatlo sa IWF Executive Board at tatlo bilang voting members ng IWF Congress.

Ang Zamboangena na si Hidilyn ay kasama ng dalawa pang Asian mula sa Iran na sina Behad Salimikordasiabi at Fares Ibrahim Elbakh ng Qatar. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on