WebClick Tracer

NEWS

Itlog sinabayan sibuyas sa taas-presyo

Iniulat kahapon ang pagtaas ng halaga ng itlog sa maraming lugar sa bansa, ayon sa pinuno ng Philippine Egg Board (PEB).

Ayon kay PEB chair Gregorio San Diego, ilan sa nakikitang dahilan ng pagsirit ng presyo ng itlog ang bird flu outbreak at pagtaas ng demand dahil sa holiday season.

“Sa Batangas, kahapon, ‘yung medium nila — ‘yung basehan namin ‘yung medium ito kasi ‘yung pinakamaraming size na pino-produce ng manok — P6.20. Pero sa Bulacan at Pampanga, kung saan marami ‘yung nagsara na farms dahil nga sa sakit at nalugi din ‘yung iba, nasa P7 na, ‘yun na ang presyo,” pahayag ni San Diego sa isang interview sa ‘Sakto’.

“Ito siguro sa kadahilanan na kokonti na lang ang production, pagkatapos, medyo tumaas ‘yung demand dahil magpa-Pasko na. Maraming mga produkto na ginagamitan ng itlog kamukha ng leche flan, cake, ‘yung mga ‘yan. Kaya medyo tumaas ‘yung presyo, pero sa monitor namin, ‘yung sa farm, hindi naman kasing laki ng taas sa retail,” patuloy niya.

Isa pa raw nakikitang rason sa pagtaas ng presyo ng itlog ang pagmahal din ng halaga ng bird feeds.

Samantala, kamakailan lumabas naman sa isang pag-aaral na ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas ang pinakamataas sa buong mundo. (Issa ­Santiago)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on