WebClick Tracer

SPORTS

Justin Brownlee, Ginebra kumatok sa twice-to-beat

Mga laro Biyernes: (PhilSports Arena)
3:00pm — San Miguel vs Meralco
5:45pm — Rain Or Shine vs Magnolia

ABOT-KAMAY ng Ginebra ang top two finish at twice-to-beat sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup matapos sagasaan ang Converge 115-96 sa PhilSports Arena Miyerkoles ng gabi.

Bumomba ng 25 points, 12 rebounds, 9 assists si Justin Brownlee at tinapos ng Gin Kings ang eliminations sa 9-3.

Kapag natalo ang Magnolia (9-2) sa Rain or Shine sa Biyernes, magbubuhol sila ng Ginebra, ang magiging No. 2 ay Gins dahil sa winner-over-the-other rule.

Top seed na ang Bay Area (10-2), twice-to-beat ang top two sa quarters.

Nagdagdag pa si Jamie Malonzo ng 17 points off the bench, may 16 si Japeth Aguilar at 14 kay LA Tenorio sa crowd favorites.

Abante pagkatapos ng three ang Gins 84-75, tinapakan pa ang silinyador sa 31-point fourth quarter at hindi na nakaporma ang Converge.

Nagsumite ng 23 points si Justine Arana para giyahan ang FiberXers pero natengga sa 8-4 at No. 4 na, haharapin ang No. 5 San Miguel sa best-of-three quarters.

Sa first game, pinaypayan ng NLEX (5-7) ang tsansa sa next round sa bisa ng 92-81 win sa Meralco.

Kung tatalunin ng Rain or Shine ang Magnolia sa Biyernes, may playoff ang Road Warriors at Painters sa last quarters berth. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on