WebClick Tracer

SPORTS

Myla Pablo, Gazz magliliyab sa finals

Mga laro Huwebes: (Araneta Coliseum)
2:30pm — Creamline vs Chery Tiggo
(best-of-three for 3rd)
5:30pm — Cignal vs Petro Gazz
(best-of-three for crown)

BUBUHAYIN nina Myla Pablo at import Lindsey Vander Weide ang itinalang kasaysayan ng Petro Gazz Angels may tatlong taon na ang nakaraan at anim na komperensiya ang lumipas sa pag-asam nitong mapanatili ang korona at makamit ang tradisyon sa gitna ng pandemya sa Game 1 ng Premier Volleyball League Reinforced Conference Finals.

Dumaan sa butas ng karayom ang 2019 champion na Angels kung saan kinailangan nitong puwersahing biguin ang makakatapat na Cignal HD Spikers sa loob ng diretsong tatlong set at hintayin ang huling resulta ng semifinals para masungkit ang tsansa nitong mapanatili ang natatanging korona na kanilang nahawakan sa paglahok sa liga.

“Masaya na may bagong rivalry, lumalabas iyung laro namin pareho sa mga games namin,” sabi ni Petro Gazz coach Ralf Ricafort. “Sana ma-maximize ulit namin at maipakita kung ano iyung ginawa namin (Tuesday). Mahaba pa ‘to – at sa three games pa.”

Huling tinulungan nina Janisa Johnson ng Amerika at Wilma Salas ng Cuba sina Cherry Rose Nunag, Djanel Welch Cheng, Jessey Laine de Leon, Stephanie Mercado, Relea Ferina Saet, Jeanette Panaga, Maricar Nepomuceno-Baloaloa, Alyssa Gayle Layug, Jonah Sabete, Rica Jane Enclona, Cienne Mary Arielle Cruz at Jovielyn Grace Prado sa pagbigo sa Creamline Cool Smashers sa titulo.

Una munang magsasagupa sa ganap na alas-2:30 ng hapon ang Creamline at Chery Tiggo sa best-of-three na battle for third bago sundan ng sagupaan sa pagitan ng Cignal HD at Petro Gazz sa best-of-three para sa korona sa ganap na alas-5:30.

“We’ll make sure that we make the most of this finals dahil binigay ng ganitong way,” sabi ni Ricafort patungkol sa naganap na pag-udlot ng Chery Tiggo sa asam na makatuntong sa kampeonato ng Creamline at pagdurog na din sa asam ng Cool Smashers’ na grand slam.

Sasandigan ng Petro Gazz ang bentahe at tatag sa front row kung saan ipinamalas ng Angels sa tulong ni Vander Weide ang lakas sa itinala na 30-attacks upang tabunan ang HD Spikers sa spikes, 60-44, habang pinayungan din nito ang taas ng net, 13-4.

Sasandigan pa ni Vander Weide ang eksplosibong suporta ng local crew na matindi ang pagnanais mapanatili ang korona na sina Pablo, Grethcel Soltones, Aiza Pontillas, Remy Palma, Nicole Tiamzon, Jonah Sabete, Marianne Buitre at si Mar Jana Phillips. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on