WebClick Tracer

NEWS

Nakaw SIM card, 6 taon kulong

Nakatakda nang ilabas sa Disyembre 12 ang implementing rules and regulations (IRR) para sa SIM Registration Act.

Batay sa draft IRR, maaaring irehistro ng SIM card user ang kanyang numero sa loob ng anim na buwan, na maaaring i-extend ng apat pang buwan.

Gayunpaman, awtomatiko itong made-deactivate kung ang SIM card ay hindi nakare­histro sa loob ng ibinigay na panahon.

Inihayag naman ng National Telecommunications Commissions na mapapatawan ng parusa ang sinumang magbibigay ng maling impormas­yon sa pagpaparehistro ng SIM.

“Ang penalty po dito ay imprisonment ranging from six months to two years or a fine of not less than P100,000,” pahayag ni NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan sa ‘24 Oras’.

Makukulong din umano ng ‘at least six years’ kung gumamit ang subscriber ng nakaw na SIM card o hindi nakarehistro sa pangalan niya.

Dagdag ng NTC, maaaring magparehistro ng maraming SIM card basta’t magbigay ng tamang impormas­yon at ID ang gagamit nito.

Ipatutupad ang SIM Registration Act sa Dis­yembre 27, 2022.

Samantala, makaka­bili pa rin umano ng bagong SIM card pero hindi ito maa-activate hangga’t hindi naire­rehistro. (Issa ­Santiago)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on