WebClick Tracer

NEWS

Ople inawat mga OFW na magtrabaho sa Cambodia, Laos, Myanmar

Nanawagan si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople sa mga Pilipino na huwag pumatol sa mga online recruiter na nag-aalok ng magaan na trabaho sa abroad sa suweldong P40,000 kada buwan.

Ayon kay Ople, siguradong mga galamay ito ng sindikatong bumibiktima sa mga Pilipino upang puwersahang pagtrabahuin sa Myanmar bilang scammer ng mga foreigner.

Nakarating sa impormasyon ng DMW na hindi lang sa Myanmar dinadala ang mga nabibiktimang Pinoy kundi pati na rin sa Cambodia at Laos.

“Kung ang alok ay seasonal work, six months, ang taas ng salary P40,000 up, and then ang sasabihin na you just be data encoders or customer service relations kayo, very vague, all they have to do is check with us sa Department of Migrant Workers,” paliwanag ni Ople.

“We have a hotline…or basta may duda, huwag na kayong tumuloy, huwag niyo nang patulan,” hirit ng kalihim.

Mayroon nang 12 overseas Filipino worker­ ang nailigtas sa kamay ng sindikato sa Myanmar pero ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay mayroon pang 47 ang nagpapasaklolo sa kanila.

Nagpalabas na ng advisory ang Philippine Overseas Employment Administration upang balaan ang mga aplikante ng trabaho sa abroad na mag-ingat sa online recruitment na nag-aalok ng trabaho sa cryptotechnoparks sa Cambodia, Laos, at Myanmar.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on