WebClick Tracer

NEWS

PBBM, VP Sara tabla sa 86% trust rating

Mayorya ng mga Pilipino ang nagtitiwala kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, matapos kapwa umiskor ng 86% trust rating.

Ito ang lumabas sa survey ng OCTA Research, Tugon ng Masa survey na inilabas nitong Miyerkoles, Nobyembre 30, 2022.

Sina Marcos at Duterte ay magkapareho ng antas ng distrust at percentage ng undecided respondent na nasa 4% at 10% ayon sa pagkakasunod.

Nakuha ng Pangulo ang pinakamalaking puntos sa kanyang trust rating sa Mindanao na 92 percent, habang 82 percent trust rating sa National Capital Region.

Sa aspekto ng socioeconomic classes, nakuha ng Pangulo ang 78 percent hanggang 90 percent trust rating at 90 percent sa poorest of the poor.

Ang survey ay ginawa ng OCTA Research noong Oktubre 23-27 sa 1,200 adult respondent sa buong bansa. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on