WebClick Tracer

SPORTS

Pinaboran lang ng reperi: Manny Pacquiao nanindigan dehins nandaya sa laban

NANINDIGAN si Manny Pacquiao na wala siyang ginawang pandaraya noong kanyang labanan si Nedal Hussein taong 2000.

Ito’y sa kabila ng naging pahayag ni Pinoy referee Carlos Padilla na may kumausap umano sa kanya na tulungan si Pacquiao na manalo dahil kung sino ang manalo sa naturang laban ay haharap sa world championship.

Inamin ni Padilla na noong na-knockdown si Pacquiao sa fourth round ay tinagalan niya ang bilang, mula 10 seconds ay na-extend niya umano ito hanggang 18 segundo.

Sa kabila nito, sinabi ng ‘Pambansang Kamao’ na hindi siya nandaya. Kung mayroon man daw nangyari ay ‘home court’ advantage lang.

“Hindi man daya. Pinaboran lang tayo, pabor lang siguro siyempre home court. As a boxer ginawa ko lang naman iyung tama,” ayon kay Pacquiao sa report ng ABS-CBN.

Aniya, boksingero lang daw siya at hindi na niya problema ang ginawa ng referee.

Ayon naman kay Hussein, sana ay managot si Padilla sa kanyang ginawang pandaraya.

Nilinaw din ng retired Australian boxer na ayaw niya ng pera mula kay Pacquiao, gusto lang niyang maging patas ang mga laban sa ring.

“Don’t want money my man. Just make it a even playing field,” sambit ni Hussein. (Ray Mark Patriarca)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on