WebClick Tracer

SPORTS

Taga-QC ginang puntirya 5 pang marathon major

Tagumpay ang mag-asawang sina Chadwick Jerald Tsai at Kristelle Kua Tsai sa kanilang misyon sa Estados Unidos.

Kabilang sila sa 47,839 finishers (15,933 ang sa labas ng Amerika) mula sa 131 bansa na mga kumaripas sa 51st New York City Marathon 2022 nitong Nov. 6.

Kumakatawan ang mga nakatapos sa 26,608 na kalalakihan, 21,186 na babaihan at 45 ang mga binabae’t binalaki.

Kahit walang running background, kinaya ni Kristelle, 29, na tapusin ang una niyang 42.195-kilometrong makasabog-baga’t makabali-tuhod na karera, na isa pa sa anim na world marathon major sa loob ng 5 oras, 33 minuto at 45 segundo.

Ang sikreto niya? Ang pasensiyoso’t matiyagang pagbangon ng kanyang mister sa madaling araw para sa kanilang training session sa limang buwan at paggabay ni Severino ‘Ben’ Alacar ng BhenAlacarRunningSystem.

“Eto na talaga 1/6 done! Haha 5 more to go. Lord, if it’s your will, would love to be able to finish all 6 major marathons – one step at a time,” sey ni Kristelle sa isang social media post na ibinahagi ng kaibigan kong si Alacar sa kanyang Facebook account.

Naunang pumasok ng finish line si Chadwick, 30, sa 5:16:10 clocking sa 3/6 niyang WMM na gaya ng kanyang misis nahirapan din sa limang borough ng NYC (Bronx, Brooklyn, Manhattan, Queens at Staten Island), pero kinaya nila.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on