WebClick Tracer

OPINION

Maayos na pabahay para sa urban poor

Natalakay kamakailan sa pagdinig sa Senado ang tungkol pabahay ng gobyerno para sa informal settler families (ISFs).

Nakailang administrasyon na kasi pero parang wala namang sapat na plano para masiguro ang maayos ang bahay at lokasyon na paglilipatan sa mga urban poor.

Minsan na nga akong nakapunta sa isang housing program sa Pandi, Bulacan at doon ko mismo nakita ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga mahihirap nating mga kababayan na ni-relocate doon.

Napakaliit ng size ng bahay, mga 48 square meter ang floor plan lamang. Pagpasok mo sa bahay, mallit na sala tapos katabi noon ang isang kuwarto atsa bandang dulo na ang dining area na katabi ng maliit din ng comfort room

Sa likod na bahagi ay may ekstrang mga 10 square meter, parang extension lot na pwede ring i-convert na isa pang maliit ng kuwaro o di kaya’t naman pwede ring gawing kitchen.

Sa maliit na pamilya na may anak na isa o dalawa, siguro kasya na. Pero kung ang anak mo ay tatlo o higit mukhang parang sardinas na kayo sa loob dahil sobrang liit na sukat pabahay na ito.

Dahil kagustuhang makalipat agad ang mga ISFs, kahit hindi pa talaga tapos ang housing project eh pinapalipat na agad nila. Pero pagdating nila doon, madadatnan na nila ang iba’t ibang problema.

Unang-unang walang kuryente o di kaya’t linya ng tubig. Dalawang pangunahing kailangan ng tao yan pero wala. May bubong nga pero wala namang kisame kaya sobrang init doon, para kang nasa pugon.

Pati nga kalsada hindi pa konkreto kaya maputik pag tag-ulan at maalikabok naman pag tag-init.

Sana naman ang mga ahenisya ng gobyerno na in-charge sa housing project, bago nila palipatin ang mga ISF, siguruhin nilang kumpleto naman ang pasilidad. Kahit sa tubig at kuryente meron.

Siyempre, inaasahan ng ating mga mahihirap na kababahay ang maayos at disenteng tirahan hindi iyong para may matulugan lang. Mabuti pa nga siguro sa mga babuyan, may tubig at kuryente, dito sa pabahay ng gobyerno, wala!

Huwag nating gawing mas kawawawa ang mga ISFs. Tutulungan lang din ang ating mga mahihirap na kababayan, lubusin natin. Bigyan natin maayos, kumpletong tirahan dahil matagal na nilang inaasam na magkaroon ng ganyan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on