Pitong indibiduwal ang nasawi sa Davao City dahil sa COVID-19, base sa ulat ng pandemic task force ng lungsod kahapon.
Naitala umano ang pagkamatay mula Nobyembre 20 hanggang Nobyembre 26 ngayong taon.
Napag-alaman na apat sa mga nasawi ay hindi umano nabakunahan habang ang tatlo naman ay bakunado ngunit walang booster shot.
Dahil dito, binigyang-diin ni Davao City COVID-19 task force spokesperson Dr. Michelle Schlosser ang kahalagahan ng pagpapabakuna.
Mahalaga aniya na bakunado bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 lalo pa at mayroon itong mga nagsusulputan pang variant katulad ng Omicron.
“That is why it is emphasized that vaccine and booster doses are needed because the virus continues to mutate and every time it mutates, it is contagious,” ani Schlosser.