WebClick Tracer

SPORTS

Devon Scott ireresbak San Miguel kontra Converge

Mga laro ngayon (PhilSports Arena, Pasig)
3 pm – Converge vs SMB
5:45 pm – Ginebra vs NorthPort

Reresbakan ng San Miguel Beer ang Converge sa opener ng kanilang best-of-three quarterfinals ng 47th PBA 2022-23 Commissioner’s Cup sa first game ng double-header mamayang 3 p.m. sa PhilSports Arena sa Pasig.

Sa 5:45 p.m. ang hiwalay na race-to-two wins ng Ginebra at NorthPort.

Tinalo ng No. 4 FiberXers ang No. 5 Beermen 106-102 sa lone meeting sa eliminations noong Oct. 21, unang laro ni Devon Scott bilang replacement import sa SMB.

Naka-16 points, 15 rebounds, 6 assists si Scott sa kanyang debut pero naubusan sa dulo.

“I take a lot on my shoulders from that game, why we lost,” sisi ni Scott sa sarili.

Mas maangas na ang SMB ngayon dahil nakabalik na si June Mar Fajardo mula throat operation, nag-debut na rin sa season si Terrence Romeo.

Bago ang Season 47 Philippine Cup ay inabot ng back injury si Romeo, nag-debut sa final game ng eliminations noong Biyernes at nagsumite ng 12 points sa loob ng 16 minutes sa 113-108 win kontra Meralco.

Si Quincy Miller pa rin ang angkla ng Converge, kasama sina locals Jeron Teng, Abu Tratter, Justine Arana at Aljun Melecio. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on