WebClick Tracer

SPORTS

Dyowa ni Gozum may pasabog kay Javillonar

Lumalaki ang isyu kina National Collegiate Athletic Association players Will Allen Gozum ng College of Saint Benilde Blazers at Marc Paolo Javillonar ng Colegio De San Juan De Letran Knights.

Nagsimula ito sa paghawak-puwet ng CSJL dribbler sa CSB star sa 98th NCAA seniors basketball tourney best-of-3 Game 1 Finals nila sa Araneta Coliseum sa Quezon City Linggo ng gabi.

Sumawsaw ang dyowa ni Gozum na si Women’s National Basketball League player Karla Dennis Manuel ng Taguig City Lady Generals.

Siniwalat niya Lunes sa social media post ang pag-trash talk ni Javillonar sa kanyang boyfriend sa first round elims pa lang ng torneo, na damay aniya siya.

“Since elims (Round 1), yan na role niyan. Pero ‘yung idadamay mo girlfriend ng player sa pangtra-trash talk tapos babastusin mo? First time [to hear that] from a player,” batikos ni Manuel kay Javillonar. (Gerard Arce)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on