WebClick Tracer

METRO

Grade 9 bully, nambasag ng mukha

Nag-viral ang naganap na bugbugan ng mga estudyante sa loob ng isang paaralan sa Makati na kinasasangkutan ng Grade 9 dahil sa umano’y pambu-bully.

Iniimbestigahan na umano ng Colegio San Agustin Makati ang nasabing insidente na nangyari sa comfort room ng nasabing paaralan.

Una nang lumabas at nag-viral sa Twitter thread ni @G9CSAracist, ang sagupaan ng dalawang estudyante kung saan isa sa mga ito ay nasapak pa sa mukha, humandusay sa sahig na duguan ang ulo at walang malay.

Ang insidente ay kinumpirna ni CSA Makati Rector Fr. Dante Bendoy, na naganap noong Lunes.

“The guard who responded found two students who needed medical assistance and was brought immediately to the school clinic. The school has provided the necessary medical assistance to both students,” pahayag nito.

“The discipline group of the high school department has been convened and has been conducting inquiries and is in direct communication with the students involved and their parents immediately after the incident. The school does not tolerate or condone violence,” dagdag pa nito kasabay ng pagtukoy sa school’s policies at guidelines para sa kaligtasan ng mga estudyante kontra bullying.

Ayon naman sa legal counsel ng paaralan na si Atty. Joseph Noel Estrada, nasa 10 estudyante ang hinihinalang sangkot sa bugbugan sa banyo. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on