WebClick Tracer

SPORTS

Heroesdelninetysix, Caraga Wonder magsasabwatan

Magkakampihan sina Heroesdelninetysix at Caraga Wonder para siluhin ang panalo sa Philippine Racing Commission Rating Based Handicapping System sa Metro Manila Turf Club, Inc. sa Malvar/Tanauan, Batangas ngayong araw.

Nakabara sa kanilang landas sa 1,400-meter race sina Janni Banni, El Mundo, Prime Time Magic, Success Of Times, Tons Of Gold, Super Shelltex, Tomorrow Land, Commodora.

Rerendahan ni veteran jockey Jeffrey Bacaycay si Heroesdelninetysix at si Conrad Henson ang papatong kay Caraga Wonder sa event na suportado ng Philracom sa pamumuno ni Chairman Aurelio De Leon.

Hahamigin ng winning horse owner ang P10K premyo habang may ikakalat na P25K karagdagang para sa unang apat na kabayong tatawid sa meta. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on