WebClick Tracer

SPORTS

Jalen Green umangas , 76ers nawasiwas sa double OT

Umiskor si Jalen Green ng 27, dinagdagan ng 21 ni Kevin Porter Jr. at diniskaril ng Houston Rockets ang balik ni James Harden sa Philadelphia nang itumba ang dayong 76ers 132-123 sa double overtime sa 77th NBA regular season game nitong Lunes sa Toyota Center.

Nagsumite si Harden ng 21 points pero 4 of 19 lang sa floor sa unang laro niya sapul noong Nov. 2 dahil sa right foot injury. Naka-walong season din si Harden sa Houston bago nai-trade sa Brooklyn noong January 2021.

Limang Rockets (7-17) pa ang nagsumite ng 14 points pataas sa pangunguna ng 24 ni Kevin Porter Jr. May 18 si Tari Eason at 16 points, 11 rebounds kay Jabari Smith Jr.

Humarabas ng 39 points si Joel Embiid pero na-fouled out bago natapos ang first OT, nag-ambag ng 27 si Tobias Harris sa Sixers (12-12).

Inumpisahan ng Houston ang second extra period sa back-to-back 3s nina Eric Gordon at Porter. Idinikit ng tres ni Harden ang Philly 125-122 pero agad ding sumagot mula long range si rookie Smith. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on