WebClick Tracer

SPORTS

Jerom Lastimosa, Adamson Falcons hihiritan Ateneo Eagles

Mga laro ngayon (Araneta Coliseum, QC)
11 am – NU vs DLSU (Women’s Finals Game 1)
2 pm – UP vs NU
6 pm – AdMU vs AdU

Muling sasandalan ng No. 4 Adamson Soaring Falcons si Jerom Lastimosa upang makaiwas-sibak pagsalpok sa may twice-to-beat edge, top seed Ateneo Blue Eagles sa siklab ng 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 men’s basketball tourney semis ngayong Miyerkoles sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

“Initially I wanted the players to play in December so that was assured already in Dec.4, and now we’re playing Dec. 7, and I hope we also play Dec. 10 or 11,” ani San Marcelino-based squad coach Nash Racela na atat isahan ang Ateneo.

Pero puntirya ng AdMU na sa isang tuka lang pasibatin ang AdU sa alas-6:00 ng gabi ng salpukan lalo’t sobrang liyamado sa pag-sweep sa two-round elims sa sa karibal parehong pabibibo ni Kainoa ‘Kai’ Ballungay.

Sa isa pang Final 4 game sa alas-2:00 ng hapon, sa isang boldyak lang din tatapusin ng No. 2 defending champion UP Fighting Maroons ang may twice-to-win, No. 3 NU Bulldogs.

Sisimulan naman ng reigning six-time champion NU Lady Bulldogs ang misyong seven-straight crown kontra La Salle Lady Archers sa race-to-two win Finals simula sa alas-11:00 ng umaga. (Gerard Arce)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on