WebClick Tracer

OPINION

Magkakapatid pantay ang mana

Magandang araw po, Attorney Claire.

Sana po atty ay mabigyan nyo ng linaw ang aking katanungan. Mayroon po ba kaming laban sa lupa? Maari po ba namin i-claim ang dapat para kay mama sa lupa ng kanyang mga magulang? Ayaw pong ibigay ng mga kapatid niya ang share nya. Mas may karapatan daw sila roon kasi sila ang nakatira at si mama ay mas may pera. Ano po dapat namin gawin? Please po sana matulungan nyo kami sa pamamagitan ng pagsagot ng aking katanungan. At sana po mapansin nyo itong message ko.

Salamat po at God bless.

Jeana

Ms. Jeana,

Kung ang property ay pag-aari ng mga magulang ng mama mo ay walang pwedeng kumuha ng kanyang share maliban lamang kung mag-waive siya ng kanyang karapatan rito. Ginagawa ang WAIVER sa pamamagitan ng paggawa ng dokumento patungkol rito at hindi maaaring sa salita lamang.

Kahit ayaw ng mga kapatid niya na siya ay bigyan ng share ay walang bisa at saysay ang pag ayaw nila dahil ayon sa batas ay pantay pantay ang share ng magkakapatid sa naiwang ari arian ng mga namayapang magulang maliban lang kung may valid na dahilan para sa disinheritance na naisulat sa Last Will and Testament. Tandaan na kahit may last will pa ay hindi pa iyan maipapatupad kung hindi dadaan sa masusing pag-aaral at scrutiny ng korte na siyang magbibigay ng decision kung valid ba ang last will at disinheritance.

Hanggat walang ganito ay mananatiling tagapagmana ang iyong mama at kakailanging ipaglaban ang share. Unahin munang makipag usap at ayusin nang hindi dumadaan sa korte. Kapag hindi nagkaroon ng kasunduan at ayaw pa rin ibigay ang share niya ay dapat na siyang magsasampa ng petition sa korte para ma settle ang naiwang estate ng mga magulang at magkaroon na ng partition o hatian.

Kung hindi magkakasundo ay dapat nang dalhin sa korte ang usapin para ito ay ma settle. Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante Tabloidista (Facebook and Youtube)) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 5:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on