PH utang sumipa ng P13.6T

Naitala ng Bureau of the Treasury sa P13.64 trilyon ang utang ng pamahalaan noong katapusan ng Oktubre at P1.91 trilyon o 16% na ang nadagdag dito mula katapusan ng Disyembre 2021.

Pasko kakaiba ngayong taon – Vergeire

Magiging kakaiba ang Pasko ngayong taon sa bansa ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire dahil sa mas mataas na vaccination rate sa COVID-19 ng mga Pilipino at mas handang mga pagamutan.

4 labo-labo sa dating puwesto ni Sec Remulla

Apat ang maglalaban sa nabakanteng puwesto ni dating Representative at ngayon ay Justice Sec. Jesus Crispin C. Remulla kabilang ang anak nitong si Crispin Diego Diaz Remulla sa idaraos na special election ng 7th Legislative District sa lalawigan ng Cavite.

DOTr chief bulilyaso kumpirmasyon sa lindol

Sinuspinde ng Commission on Appointment ang deliberas­yon sa appointment ni Jaime Bautista bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa kakulangan ng oras at nangyaring lindol.

Justin Brownlee, Ginebra pinalubog ang NorthPort

Kumayod si Justin Brownlee ng 19 points sa maangas na third quarter para angklahan ang kalas ng Ginebra tungo sa 118-102 paglango kontra NorthPort sa Game 1 ng kanilang 47th PBA 2022-23 Commissioner’s Cup quarterfinals sa PhilSports Arena Miyerkoles ng gabi.