WebClick Tracer

NEWS

4 labo-labo sa dating puwesto ni Sec Remulla

Apat na aspirante ang maglalaban sa nabakanteng puwesto ni dating Representative at ngayon ay Justice Sec. Jesus Crispin C. Remulla at isa rito ang anak nitong si Crispin Diego Diaz Remulla.

Naghain ng Certificates of Candidacy (CoC) sa Commission on Elections (Comelec) para sa idaros na special election ng 7th Legislative District sa lalawigan ng Cavite, sina Jose Aguinaldo (Independent); Melencio Loyola De Sagun (Independent); Crispin Diego Diaz Remulla (National Unity Party); at Michael Angelo Bautista Santos (Independent).

Alinsunod sa Comelec resolution No. 10848 na may petsang Oktubre 5, 2022, isasagawa ang special election ng 7th Legislative District sa lalawigan ng Cavite sa Pebrero 25, 2023.

Ang lahat ng registered voters mula sa munisipalidad ng Ama­deo, Indang at Tanza, at lungsod ng Trece Martires, ay kailangang lumahok sa electoral exercises na isasagawa dahil sa bakanteng puwesto sa nasabing legislative district.

Ito ay sinertipikahan ng Kongreso sa pamamagitan ng resolution No. 100 na may petsang Hulyo 27, 2022.

“This is on account of the appointment and assumption to office of former Representative Jesus Crispin C. Remulla as Secretary of Justice, subsequent to his election thereto in the recently concluded May 9, 2022 National ang Local Elections,” batay sa inilabas na pahayag ng Comelec.

Sinuspinde na ang voters registration sa 7th District ng Cavite noong Nobyembre 25, 2022 hanggang Peb­rero 24, 2023. (Dolly ­Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on