WebClick Tracer

SPORTS

Angels sawa sa Reinforced, Open sunod na aasintahin

Sobra ang tuwa sa pagdepensa ng korona sa 5th Premier Volleyball League 2022 Reinforced Conference nitong Martes ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig, plano ni Rald Ricafort ang paghugot ng naturalized player ng Petro Gazz sa asintang isunod ang mailap na Open diadem sa papasok na taon.

“Siguro dapat mag-naturalize,” giit ng Angels coach nang mausisa sa bagong pupuntiryahing kampeonato makaraan ang magkasunod na pagsegunda sa huling dalawang edisyon sa Creamline.

“Mabigat talaga ang laban sa all-Filipino, kasi ang ibang teams masyadong all-Star na talaga (ang lineup),” ririt niya. “Like Creamline, Rebisco team, F2 Logistics. Pero lumalaban pa rin naman kami, kumbaga, kaunting trabaho pa talaga siguro at soon, makakasungkit uli kami ng all-Pinoy.”

Nanguna sa kampo sa pagwalis sa Cignal sa straight at four-set sina 2nd Best Outside Spiker Myla Pablo, Best Foreign Guest Player/Finals Most Vluable Player Lindsey Marie Vander Weide, at 1st Best Middle Blocker Mar-Jana Phillips.

Bubuksan ng Sports Vision Management Group, Inc. ang 6th PVL Open Conference 2023 sa Marso. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on