Nagpasalamat ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista na napagbigyan ng Korte ang petisyon ng mister niya na makapagpiyansa para pansamantalang makalaya.
Ayon sa kautusang inilabas ni Taguig Regional Trial Court Branch 69 Presiding Judge Loralie Cruz Datahan dated December 5, 2022, “Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00).”
“We were granted bail and we’re so thankful,” sabi ni Tanya sa short interview sa kanya ng ABS-CBN News reporter na si Niko Baua.
Bahagi ito ng video clip ng eksklusibong panayam kay Tanya ni Niko na ipinost sa Twitter noong sunduin mismo ni Tanya si Vhong sa Taguig City Jail matapos lumabas ang bail order ng Korte.
Ayon sa tweet ni Niko, “EXCLUSIVE: Tanya Bautista fetched her husband Vhong Navarro in the Taguig City Jail. She feels elated that he will now be released after being jailed for almost 3 months.”
Bahagi rin ng video ay tinanong ni Niko si Tanya kung ano feeling nito at sagot ng misis ni Vhong, “Siyempre sobrang happy. Sobrang happy, it’s going to be a blessed Christmas, very good Christmas for the family.”
Sa isa pang tweet ni Niko, makikita sa naka-post na picture na kapiling na ni Tanya ang sinusundo niyang mister na si Vhong kasama pa ang abugado nitong si Atty. Alma Mallonga.
“Vhong Navarro with his wife and lawyer before they left the Taguig City Jail. Vhong lost some weight during his incarceration. Inmates were chanting “Vhong Navarro! Vhong Navarro! Vhong Navarro!”, during his release,” sabi ni Niko sa kanyang tweet.
Samantala, sa kasunod pang tweet ni Niko, inihayag niyang tumanggi ang abugado ni Deniece na magbigay ng statement. Magsisimula ang paglilitis sa kasong rape sa Pebrero 2023.
“Deniece Cornejo’s lawyer, Atty. Howard Calleja, declined to give a statement on Navarro’s temporary release. The trial on the rape case will start on February 2023.” (GLEN P. SIBONGA)