WebClick Tracer

LIFESTYLE

Bakunahang Bayan

Walang tigil na ang pagsulong natin sa normal na pamumuhay. Nakakalabas na ng madalas, pumapasok sa trabaho o paaralan.

Nakikipagugnayan na ng harapan, lalo na ngayon na boluntaryo na lamang ang pagsuot ng face masks, nasa labas man o loob ng silid. Pero nitong nakalipas na mga ilang linggo ay mayroon pa din mga nagkakasakit ng Covid19. Hindi ito masasabing may surge dahil hindi naman ganoon kadami ang nagpopositibo. At higit sa lahat, ang karamihan ay hindi ganoon katindi ang mga sintomas. Ngunit dahil dito, nakakatakot ang posibilidad na talagang kumalat pa din ang Covid19. Lalo na kung balewalain ang mga nararamdamang sintomas. Madami pa din ang sakit na nagkalat. At madali din naman gumaling sa mga ito, kasama na ang Covid19. Ngunit ang pinagkaibahan ay ang haba ng panahon na nakakahawa ang may sakit. Kaya kung tatlong araw na may sakit, mainam na mag patest, kung hind RT PCR ay antigen test man lang, para malaman kung Covid nga o hindi. Ito ay para sa panahon na gumaling, pwede na ba pumasok o mag isolate muna ng isang linggo mula sa pagkaumpisa ng sintomas.

Ang hindi pagtindi ng mga sintomas ng Covid19 ay maiuugnay sa bakuna. Dahil dito, madami ang nakaiwas sa matinding kumplikasyon na dala nito. Lalong lalo na ang mga health care workers, mga senior citizens, at mga immunocompromised. Kaya naman ineengganyo ang lahat na magpabakuna. Madami na ang nakakuha, may booster pa, ngunit mayroon pang mga hindi. Kaya itong mga araw na ito, mula ika-5 ng Disyembre hanggang ika-7 ay mayroong Bakunahang Bayan. Ito ay programa ng Department of Health. Kadugtong ito ng PinasLakas na programa para sa booster doses. Dito sa lungsod ng Quezon ay kasama ang local na pamahalaan ng Quezon City, ang Philippine Medical Association at ang Quezon City Medical Society pinapaigting ito. Sa Philippine Medical Association compound sa North Ave mula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon. Inaanyayahan ang mga hindi pa nabakunahan, ang mga kailangan ng pangalawang dose at ang mga gusto magpabooster. Ang mahalaga ay kasama na sa booster ang mga edad 12 hanggang 17. At ang mga 5 taong gulang hanggang 11 ay sana madala ng kanilang mga magulang para mabakunahan na.

Wala din katotohanan na minamadali dahil mageexpire na ang mga bakuna. Ang napabalitang nagexpire na bakuna ay nadispatsa na. Mag bagong bakuna ang ibinibigay sa mga araw na ito. Isipin natin na para sa kabutihan nating lahat ito. Para sa ating pamilya, kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, at mga mahal sa buhay. Makipag ugnayan sa inyong barangay at health center. Tara pabakuna na sa Bakunahang Bayan.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at IZTV 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on