Sa December 23 na ang finale episode ng “Start-Up PH” . Magbababu muna ang tambalang Bea Alonzo at Alden Richards.
Malalaman na kung ano ang mangyayari sa mga karakter nina Bea bilang si Dani, Jeric Gonzales bilang si Davidson, at Alden l bilang si Trista. Sunud-sunod na ang rebelasyon sa story hanggang sa finale.
Kahit magtapos ang “Start-Up PH,” hindi mami-miss ng Kapuso fans si Bea dahil sa sunud-sunod na guesting sa mga show ng GMA-7. Buong December siya guest sa “All-Out Sundays” at nagsimula siyang mag-guest noong Dec. 4.
Pagkatapos ng live episode, nag-taping si Bea para sa Dec. 11 episode. Noon namang Dec. 5, two episodes ang taping ng aktres for the said show para sa Dec. 18 at Dec. 25, ang Christmas episode ng show.
Bukod sa “All-Out Sundays,” maggi-guest din si Bea sa isang episode ng “Magpakailanman” para sa 20th anniversary ng drama anthology hosted by Ms. Mel Tiangco. Nag-taping na si Bea ng horror episode na may pamagat na “Haunted Soul” pagkabalik niya from her European vacation with her family.
Ang sabi, this Sarturday na ang airing ng nasabing episode, pero baka huliin daw ang airing ng episode dahil mahirap ang episode. May mga effects dahil horror nga. Well, abangan na lang natin ang announcement ng #MPK.
In-announce na rin ni Bea sa Kapuso Fans Day sa Davao City na for her next teleserye, si Dennis Trillo ang kanyang makakapareha. Sa January 2023 nila sisimulan ang taping, so, kundi March ay April ang airing nito.
May aabangan ding movie ang fans nina Bea at John Lloyd Cruz sa Star Cinema, matutuloy na rin ito sa wakas. Kaya, may pelikula na, may teleserye pa at marami pang endorsements ang ilalabas ni Bea. For 2023
Dalawang endorsements na parehong renewed contract ang ilalabas at na-shoot na ang TVC at may mga bago pa siyang endorsements. Baka another apartment in Madrid ang mabili ng aktres from her talent fee from her many endorsements.
Para nga raw sa next project ni Bea ang bago niyang hairdo na may bangs ang aktres. Naging kamukha nga raw ni Bea ang Hollywood actress na si Dakota Johnson, ang leading lady ng “Fifty Shades of Grey” sa new hairdo niya and her new looks.
Umingay pa ang post ni Bea with her new hairdo dahil sa suot niyang Versace Barocco Goddess Safety Pin mini dress. May mga nagtanong na nga kung saan available ang dress na ‘yun at gusto rin nilang bumili.