WebClick Tracer

SPORTS

Best Athlete

Isa ang Best Athlete sa mga tampok na iginawad na parangal sa 20th Alveo Land Corporation 2022 Year-End Celebration nitong Dec. 1 sa Globe Circuit Event Ground sa Riverfront Drive, Makati.

Ang annual award sa sports ay pagkilalala ng ALC na miyembro ng Ayala Group of Companies sa kanilang mga kawani na nagpaking-gilas buong taon para sa nasabing larangan. Na may balanseng hilig sa sports at bilang empleado ng kompanya.

Para sa taong ito, ipinagkaloob ang ang Best Athlete kay three-time World-Marathon Majors (2022 London, 2021 Boston at 2019 Berlin) campaigner, multi-titled runner at running coach (PriveCoachingPH) Nhea Ann Barcena.

“Masaya ako dahil napapansin ng kompanya kung ano ang hilig ko. Bilang isang empleado, napakahalaga na magkaroon ng magandang kalidad ng iyong sariling kalusugan upang maisagawa ng maayos ang iyong trabaho,” sey ng tubong Panukulan, Quezon pero residente na ng BGC, Taguig.

Nakaraming tagumpay ang nakamit ng mapagkumbabang iniidolo ng marami bilang marathoner at coach na kung napalampas ninyo ay puwede ninyong balikan ang mga nakalipas na isyu ng Abante TONITE sa aming website (Abante TNT).

Mabuhay kay Coach Nhea!

***

Nakatutuwang nagkita-kita kaming 20 magkakaklase/magkakaeskwela sa 3rd Fernando Maria Guerrero Elementary School (dating Bagong Buhay Elementary School) 2022 Grand Alumni Homecoming sa FMGES Dome sa Pedro Gil, Paco, Maynila noong Nov. 30.

Nakasama ko sina Gemma Dinero Calipjo, Gina Dolor Flores, Perla Rivera, Luzviminda Cea, Belinda Gil Ignacio, Lina M. Saulda, Arlen C. De Leon, Mary Jane S. Fernando, Mary Ann S. Mariveles, Arnold Cochangco, Ricardo Mendiola, Enrique Valera, Marcos Oñate, Noly Corrales, Romeo Cortez Jr. Brando Barrientos, Joselito Hazal at Neil Santilla.

Salamat din kina batchmates Primitivo Aguilar III sa malaking tulong at Barangay Kagawad Wilbur Tabangay sa pag-estima sa amin. Gayundin sa masarap na bogtsi sa Ninong Dok’s Sizzling House Atbp na nasa P. Gil, Paco Manila rin.

Hanggang sa muli po.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on