WebClick Tracer

SPORTS

Bojan Bogdanovic walastik, Pistons pinatirik ang Heat

Nilista ni Bojan Bogdanovic sa second half ang 28 sa kanyang 31 points, inayudahan ng 18 ni Alex Burks at kumaripas sa last two quarters ang Detroit para hiyain ang Heat 116-96 sa 77th National Basketball Association 2022-23 regular season game sa FTX Arena sa Miami nitong Martes.

Mula sa labas ng arc ay 7 for 9 si Bogdanovic, namigay pa ng 5 assists. Off the bench ay naka-apat na tres din si Burks at nagbaba ng 9 rebounds.

Overall ay 19 for 41 mula long range ang Pistons (7-19) kumpara as 10 for 32 ng Heat (11-14). Apat na players ng Detroit pa ang nag-ambag ng 11 points pataas.

Nagsumite ng game-high 34 pts. si Tyler Herro para bitbitin ang Miami. May 21 pts., 15 rebounds si Bam Adebayo.

Ipinahinga ni Heat coach Erik Spoelstra ang kanyang kamador na si Jimmy Butler sa pangalawang gabi ng back-to-back games. Kababalik lang halos ni Butler mula knee injury kaya nirerendahan ang minuto. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on