WebClick Tracer

NEWS

DOTr chief bulilyaso kumpirmasyon sa lindol

Sinuspinde ng Commission on Appointment committee ang deliberas­yon ng ad interim appointment ni Jaime Bautista bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa kakulangan ng oras.

“For lack of material time and considering that there are still other members who still want to propound questions to the appointee, I move to suspend the deliberation on the ad interim appointment of Secretary Jaime Jimenez Bautista as secretary of the Department of Transportation until further notice,” sabi ni CA Majority Leader at Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte.

Paliwanag ni Villafuerte, kaila­ngan pa nilang talakayin ang appointment ng 61 diplomants mula sa Department of Foreign Affairs.

Pansamantalang natigil ang pagdinig ng appointment ni Bautista dahil sa 5.3 magnitude earthquake na sumentro sa Tinaga Island, Camarines Norte. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on