WebClick Tracer

SPORTS

Fajardo, SMB makikipagbardagulan sa Japan

Makikipagbardagulan si June Mar Fajardo at mga kasangga sa San Miguel Beer kasama ang TNT sa 1st East Asia Super League 2023 Champions Week sa Japan sa parating na March 1-5.

Kabilang ang Beermen at Tropang Giga sa walong team na makikipagrambulan sa Top 3 cash prizes na $250K (P13.8M), $100K (P5.5M) at $50K (P2.7M) sa pagkansela na ng liga sa home-and-away format na balak ituloy na lang sa pangalawang edisyon ng liga simula sa September 2023.

“EASL is honored to be the hub of East Asian basketball, bringing the best of the best of the region’s club teams together in an elite competition, supported by long-term agreements with FIBA and Asia’s top leagues,” sey Miyerkoles ni EASL CEO Matt Beyer. “EASL Champions Week in Japan will be unlike anything ever seen before and provide fans with electrifying game actions and a platform for the top leagues and professional teams in the region to gain global exposure.”

Kumpiyansa naman si Philippine Basketball Association Commissioner Willie Marcial sa tsansa ng SMB at TNT. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on