WebClick Tracer

NEWS

Farm-to-market roads lalagdaan ni Marcos

Magiging maganda ang Pasko ng sektor ng agrikultura dahil inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. anumang araw ngayong Dis­yembre ang joint administrative order para sa pagtatatag ng farm-to-market roads.

Sinabi ng Pangulo na aprubado at mayroon ng national timetable para sa pagtatatag ng farm-to-market roads na inaasahang mapapakinabangan ng mga magsasaka.

“FMR approved na. Mayroon na tayong­ national timetable. Lahat ng agencies that are involved, departments that are involved will be signing… by December, before the end of the year, para ma-approve na ang plano para sa pag-construct ng FMR,” anang Pangulo.

Ang joint administrative order ang magtatakda ng guidelines upang lahat ng FMRs ay maging interconnected sa ibang infrastructure projects sa layuning maiayos ang paghahatid ng serbisyo at mapaangat ang mga programa sa agrikultura.

Kabilang sa mga lalagda sa joint administrative order para sa FMRs ang Departments of Agriculture, Public Works and Highways, Interior and Local Government, Trade and Industry at Department of Tourism.

Isinulong na rin ng DPWH at DA ang inter-agency workshop para sa pagtukoy ng agriculture at fisheries production areas, palengke, trading posts, road networks at iba pang planong FMRs. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on