WebClick Tracer

SPORTS

Gilas gagapang na parang ahas sa SEA Games 3-peat crown

Dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas women’s basketball team para sa kauna-unahang misyong three-peat championship sa 32nd Southeast Asian Games 2023 sa Mayo sa Cambodia.

Siniwalat ito ni national coach Petrick Henry Aquino sa Philippine Sportswriters Association Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at Philippine Amusement and Gaming Corporation nitong Martes.

“Yung ibang teams na nakikita ko like Indonesia has been recruiting so much, ang Vietnam meron silang twin sisters na galing sa States (Kayleigh and Kaylynne Truong), and Malaysia now has an Australian coach,” sey ng Gilas Pilipinas women’s project director din sa Forum sa Rizal Memorial Sports Complex conference room sa Malate, Manila.

“Kaya kailangan nating maging handa at subukang panatilihin ang gintong iyon para sa atin,” hirit pa ni Aquino.

Tumapos ang Pinay quintet at Indonesians sa magkatulad na 4-1 record sa Hanoi SEA Games noong summer, pero ang 93-77 win ng una sa huli ang pagpakipkip ng gintong medalya sa PH una via winner-over-the other rule. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on