Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Joshua Garcia kung bakit tinigilan na niya ang pagba-vlog.
Mas nagustuhan daw ng kanyang followers ang kanyang TikTok videos kesa sa kanyang vlog.
Katunayan, pumatok nang husto ang kanyang pagpapa-cute at pagsayaw sa TikTok na umani ng million views.
Hirit niya, gusto raw muna niyang mag-concentrate sa kanyang pag-arte.
At if ever na babalik siya sa vlogging, bet niyang kakaiba ang content na ipakikita niya.
Sey pa niya, hindi rin daw niya iniaalis ang posibilidad na baka maglive selling siya tulad ng ginagawa ng ibang celebrities.
Marami raw kasi siyang pre-loved items na hindi nagagamit.
Kung sakali mang matutuloy ito, siyempre for a cause naman ang gagawin niya.
May kibitzers namang nag-react tungkol sa posibilidad na ibenta ng actor ang kanyang pre-loved items.
Marami ring kafaneyan na naging interesado sa merch ni Joshua na balak nitong ibenta.
Bukod kasi sa jackets, T-shirts, pabango at iba pang personal na gamit ng Kapamilya actor, marami ring naging interesado sa iba pang aksesorya ni Joshua.
May mga mahadera pang nagsabing bet nilang bilhin ang pre-loved underwear nito.
May mga nagmalisya pang parang bet daw nilang pagpantasyahan ang underwear ni Joshua.
Sa ibang bansa kasi, marami ring celebrities na nagbebenta ng kanilang used underwear tulad nina Madonna, Chloe Kardashian, Ed Sheeran, Shawn Mendez at marami pang iba.