WebClick Tracer

SPORTS

Justin Brownlee, Ginebra pinalubog ang NorthPort

Mga laro sa Biyernes (PhilSports Arena, Pasig)
3 pm – Bay Area vs Rain or Shine
5:45 pm – Magnolia vs Phoenix

Kumamada si Justin Brownlee ng 19 points sa maangas na third quarter para angklahan ang kalas ng Ginebra tungo sa 118-102 paglango kontra NorthPort sa Game 1 ng kanilang 47th PBA 2022-23 Commissioner’s Cup quarterfinals sa PhilSports Arena Miyerkoles ng gabi.

Sa first quarter, dalawang tres ang ibinaon ni LA Tenorio para lagpasan si Ronnie Magsanoc (1,171) sa No. 4 ng all-time list ng 3-pointers made. Sunod na hahabulin ni Tenorio si James Yap (1,178) sa No. 3.

Nagsumite si Brownlee ng 39 points, 8 rebounds at 7 assists para sa Gins na lumayo hanggang 106-86 bago sinalag ang fightback ng Batang Pier.

Nagdagdag si Stanley Pringle ng 16 pts., may 13 pts., 9 rebs. si Jamie Malonzo. Tumapos si Tenorio ng 12 pts. lahat mula sa labas ng arc.

Hindi naibalik ng 29 pts. mula 5 for 12 shooting sa 3s ni Arvin Tolentino ang NorthPort. May 18 markers, 15 boards si Prince Ibeh.

Sa first game, nilamangan din ng 31 ng San Miguel Beer ang Converge bago kinumpleto ang 114-96 win. Tumabo si CJ Perez ng 25 points, may 23 at 12 si Devon Scott at 19-16 si June Mar Fajardo.

Puwede nang tapusin ng SMB at Ginebra ang best-of-three series sa Game 2 sa Sabado sa parehong Pasig venue.

Mga iskor

Unang laro

San Miguel 114 – Perez 25, Scott 23, Fajardo 19, Romeo 13, Lassiter 11, Enciso 8, Tautuaa 6, Ross 5, Cruz 4, Brondial 0.

Converge 96 – Miller 41, Melecio 11, Arana 11, Tratter 10, Ahanmisi 7, Teng 5, DiGregorio 5, Ilagan 4, Stockton 2, Bulanadi 0, Tolomia 0, Racal 0, Ambohot 0.

Quarters: 21-13, 55-32, 88-65, 114-96.

Pangalawang laro

Gienbra 118 – Brownlee 39, Pringle 16, Malonzo 13, Tenorio 12, Thompson 11, Gray 9, J.Aguilar 7, Mariano 6, Standhardinger 5.

NorthPort 102 – Tolentino 29, Bolick 21, Ibeh 18, Ferrer 15, Sumang 9, Navarro 8, Ayaay 2, Chan 0, Calma 0, Balanza 0.

Quarter: 29-24, 56-50, 89-74, 118-102. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on