WebClick Tracer

SPORTS

Pabilic, Super Shelltex nagpabibo sa Metro Turf Philracom Race

Nagsanib puwersa sina jockey JT Pabilic at Super Shelltex upang sikwatin ang panalo sa Philippine Racing Commission Rating Based Handicapping System Miyerkoles ng gabi sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar/Tanauan, Batangas.

Pumoste si Super Shelltex ng tiyempong 1:26.4 sa 1,400 meter race upang hamigin ng winning horse owner ang P10K premyo.

Suegundo si Janni Banni habang tumersero si Success Of Times at pumang-apat si Caraga Wonder sa event na suportado ng Philracom.

Ang nasabing kaganapan ang isa sa pitong pinakawalang karera ng MMTCI. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on