WebClick Tracer

NEWS

Pasko kakaiba ngayong taon – Vergeire

Tiniyak ni Department of Health (DOH) officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na magiging ‘totally different’ ang pagdiriwang ng Pasko sa bansa ngayong taon.

Ito umano ay dahil sa mas mataas na vaccination rate sa COVID-19 ng mga Pilipino at mas handang mga pagamutan.
Ginawa ni Vergeire ang pahayag sa huling bahagi ng tatlong araw na ‘Bakunahang Bayan’ laban sa COVID-19 na isinagawa mula Disyembre 5-7.

“Ngayon, laging tinatanong sa‘kin kung kamusta ang Pasko natin ngayong 2022 kumpara sa Pasko noong 2021 at 2020. Lagi kong sinasagot it will be totally different. Ito po ay kakaiba sa mga naging Pasko natin noong mga nakaraang dalawang taon dahil ngayon, punong-puno na tayo ng armas para labanan ang COVID,” ayon kay Vergeire.

Tinukoy rin ni Vergeire ang availability ng anti-viral medicines na maaaring inumin ng COVID-infected individuals upang hindi na lumala ang kanilang nararanasang sintomas.

Sinabi pa ni Vergeire na mas handa na ngayon ang mga pagamutan na mag-admit at magbigay ng lunas sa COVID-19 patients, kumpara sa mga nakalipas na taon. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on