WebClick Tracer

NEWS

SMC swak na best employer sa Forbes

Pasok ang San Miguel Corp. sa top 200 na itinuturing na maayos na mga employers ng Forbes’ World’s Best Employers.

Pang 174 ang SMC sa 800 kompanya na mahuhusay na employers sa buong mundo kung saan 57 bansa ang sakop.

Anim na taon nang ginagawa ng Forbes ang listahan ng World’s Best Employers kasama ng Statista.

Nag-survey ang Statista sa 150,000 full-time at part-time workers na nagtatrabaho sa mga multinationals para matukoy kung alin sa mga ito ang mahuhusay pagdating sa gender equality, social responsibility, at iba pa.

Damang-dama ang social responsibility ng SMC noong unang taon ng pandemya nang nagtayo ito ng laboratoryo para sa RT-PCR testing ng mga tauhan nito at mga partners nito. Inilibre din ng SMC ng toll ang mga healthcare worker noong panahon ng lockdown at walang masakyan ang mga tao.

Sabi ni SMC President and Chief Executive Officer Ramon S. Ang, ma­laking karangalan para sa kompanya na mapasama sa top 200 ng pinakamagagaling ng employers sa mundo at isa sa pinakamagaling sa bansa.

“It’s a major honor for us at San Miguel to be included in such a list, and to be ranked within the top 200 in the world, and one of the very best in the Philippines,” sabi ni Ang. ­(Eileen ­Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on