WebClick Tracer

METRO

2 Chinese 40-taon kulong sa kidnap for ransom

Dalawang Chinese national ang buwenamanong hinatulan ng reclusion perpetua sa Paranaque Regional Trial Court matapos kidnapin ang isa nilang kababayan kaugnay sa offshore gaming o Philippine Offshore Gaming Operators [POGO], ayon sa mga rekord ng korte.

“This is the first conviction that has something to do with offshore online gaming, the local court convicted the kidnappers,” sagot ni Deputy Director for Intelligence Service Ruel Bolivar sa Politiko_Ph.

Hinatulan ni Presiding Judge Xerxes U. Garcia sina Zhihua Liu at Yuqiong Zhu ng guilty beyond reasonable doubt matapos ng mga itong dukutin kapalit ng ransom ang kapwa nila Chinese na si Zheng Xibing noong Disyembre 2020.

Ang desisyon ay ipinahayag noong Disyembre 2, 2022, base na rin sa nakuhang kopya ng online news Politiko.

Ang mag-partner na Tsino ay sinentensiyahan ng reclusion perpetua without eligibility of parole [o kulong ng 20-40 taon], base sa desisyon ng korte.

Nasagip ang biktima ng mga ahente ng NBI sa pangunguna ni Senior Agent Eduardo Ramos sa isang hotel room sa Paranaque City of Dreams.

Dininig ng korte ang pahayag ng biktima na ikinulong siya ng mga suspek at hiningan ng P1M kapalit ng kanyang paglaya.

Nailigtas ang biktima nang magpasaklolo sa NBI ang kaibigan nito na ikinadakip ng dalawa.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on