WebClick Tracer

METRO

3 dolphin, bangkay na lumutang sa Ilocos

IPINAGTAKA ng mga residente ng ilang bayan sa Ilocos Sur ang pagpadpad ng tatlong patay na dolphins sa kanilang karagatan.

Sa ulat, sinasabing sa loob lamang ng ilang araw ay sunod-sunod na lumutang sa karagatan sa nasabing lugar ang mga dolphin.

Ayon sa ulat, nakita ito sa mga bayan ng San Juan, Magsingal, Kawayan, Santa at Santa Maria.

Pero may namataan ding 3 pygmy killer whale, isang uri ng dolphin, na nasa bayan ng Kawayan at Santa.

Sinabi naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na sinusuri na anila ang mga ito at isinailalim sa necropsy.

May mga dolphin namang namataan ding naghihingalo na agad nilang idinaan sa rehab.

Sinabi ng BFAR na posibleng sa pagkasadsad nakuha ng mga dolphins ang kanilang mga sugat.

Sinabi naman ng BFAR na bihirang mamataan ang mga pygmy killer whale kaya nagtataka ito kung paano napadpad sa baybayin ng Ilocos Sur.

Inaalam ng BFAR ang posibilidad ng human activity sa dagat. (Catherine Reyes)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on